JAM
Too much drama. This blog is connected to my main blog so I can't follow with this blog. :)

Photobucket Photobucket Photobucket

Follow me! ♥
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
August 28th
13:00

All-in-one

Oo, parang ice cream. Nakita ko LAHAT kanina. :”>

August 17th
15:00

Mr. Archi

Alam ko na yung room sa last subject ni Mr. Archi tuwing friday. Okay, kahit hindi niyo tinatanong. At kahit wala kayong pakialam, magkkwento pa rin ako. Nasa may 507 siya. At kung paano ko nalaman? siyempre, stalking skills. Pagkatapos na pagkatapos ng 1:30-3:00 Psychology class namin sa 7th floor Nursing building, bumaba kami malamang. Eh alam naman na namin na nasa 5th floor talaga yung next class ni Archi. So ang kailangan na lang namin gawin ay libutin at tignang mabuti kung saan doon sa mga room na yun. Dahil mas nauna ako sa kanila maglakad, ako unang nakakita kung saan. Nasakto pa nga sa pagsilip ko sa may bintana ng pintuan yung paglapag niya ng bag niya sa upuan. Edi siyempre, umiwas ako kaagad. Baka mahalata kami. Weh haha. Pabalik na kami non sana sa classroom nung bigla siyang lumabas. Nagulat na lang din ako. I mean, magsisimula na yata yung klase nila non. So nagpapansin siya? Yun din sabi nila. Tapos dumirecho siya sa CR. Yung mga jupengpeng kong classmates andon rin pala. Eh ano pa nga bang aasahan mo? Edi kinilig sila. Actually, mas kinilig pa sila sa’kin. Kilig-tumbong ang peg nila. Balak na nila talaga non magpapicture. Tapos eto namang si Venice, sabi tara dito muna tayo. Tapos may pumasok sa CR, ang laki ng bukas ng pinto sa CR. Tapos nakita namin siya na nag aayos ng buhok. Feeling ko expected na niya na ganun. *If you know what I mean*. Pagkalabas niya nagpapicture kami. Ang bait niya. Sobra. Siguro sanay na rin siya sa mga ganun. Labyu crush. Hahahaha muntanga.

August 14th
01:35

August 13/14, 2012

Ganito kasi yan. Nung Monday, naghahanap kami ng havey sa campus. Nakita namin sina ….

1. Kuyang tourism na taga 503
2. Kaschoolmate ko dati. ‘Di ko na babanggitin yung pangalan. :))
3. Yung kalook-alike ni Mr. Archi na taga 506 yata? sa SB building.
4. Kuyang nakabraces na color blue yung rubber.
5. Nung nag Mcdo kami, nakita namin si Philip Ceazar. Kamukha ni Jr Jimenez.
6. Pogi rin si kuyang nasa 2nd floor ng Mcdo.


Ngayon, nakita namin sina…
1. Kuyang nakacheckered na polo dati. Yung nasa foodcourt.
2. Si kuyang matangkad na maputi na gwapo hahaha.
3. Mr. Archi!!!!!!!!!!!!!!!! Ako unang nakakita kasi kakapasok pa lang niya. 9:00 am yun.
4. Si kuyang nakabraces!! Nakita namin sa AB building. Sinundan pa namin ni Venice hahahaha.
5. Si kuyang taga UE na nakasuot ng jacket.
6. Si Mr. Archi ulit!! Shet nag mcdo sila. Sakto papunta pa lang kami don. Nalate lang kami ng konti haha chot.
7. Si kuyang taga EAC na nasa Mcdo din.
8. Si kuyang nakacheckered ulit nakita namin.
9. Si kuya pogi na pasimpleng nakadungaw samin galing 6th floor.
10. Si Mr. Archi ulit nakita namin pababa na hahaha :’)
11. Si kuyang kasabayan namin bumaba. Color blue yung bag. :’)
12. Sinundan si Archi pababa. :’)
13. Si kuya Aaron na kamukha si Elmo Magalona. Sobrang galing niya pang kumanta. Siya lang naman yung musical director ng institute namin. Ehem.
14. Nakita ulit si Mr. Archi at talagang doon pa kami lumabas sa may way nila. Sabay sabi nung kasama niya, “tropa mo”. Sus ;|
15. Nung nasa jollibee na, nakita namin si Mr. Varsity!! Naka gray siyang shirt.
16. Ang pogi nung nakasabayan namin sa bus.

Okay, kunwari nagets niyo to. Kunwari nakarelate kayo. Gv ;’)

01:24

Ikaw na bahala sa title.

  • -scene1-
  • Ella kausap si Brian (Classmate).
  • Ella: Uy, ano ka? Cebuano, Bisaya, Ilocano?
  • Brian: Ha? Maganda ako bakit?
  • Hahaha walangya.
  • -scene2-
  • May classmate akong Pachecco yung apelyido.
  • Venice: Nasan na si Pacheychey?
  • Ako: Oo nga no. Saan ba nagpunta yung si Pachecuchi?
  • Ann: Hindi ko alam kung nasan si Pachecca eh. =))))
August 2nd
01:25

Kainis

Pinapangunahan ko na kayo, BV ako ngayong araw. Sarap bigwasan nung class mayor namin. Tengene. Kumo-quota na sa akin yon. Buti na lang talaga marunong akong kumalma. :|

July 31st
15:21

Luuuh

  • Ako: Anong mas maganda gray or black? Bukod sa akin.
  • Wyle: Baka anong mas panget? =))
  • Ako: Hindi ka naman kasali sa choices ah? Hahahahahah
July 17th
23:16

Hala epal pampam

Naiinis ako. Actually, kahapon pa talaga ako naiinis. Bali, naipon na lahat ng inis ko kaya nakakaasar na. Weh ano daw. May classmate kasi ako na sobrang feeler. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin, tinanong niya ako kaagad ng “Bakit ang ganda mo?” chos hahaha. Sabi niya, “Kilala mo pala si Janus?” “Paano kayo nagkakilala?” Pakelamera. Daming tanong. Tapos meron pa nung Chem lab na namin, kesyo daw kinuha ni Janus yung number niya ganito ganyan. At talagang sinave pa niya yung picture sa phone niya at binalandra pa sa akin. Tapos sabay tanong sa akin, “Crush mo?” Tengene. Nung psychology class din namin, nagpaparinig pa.. “Kaya pala hindi nagtetext si Green Bison kasi may laban eh.” Okay? Sige na te, ikaw na maganda. Pero wala naman akong pakialam kahit maging kayo at magpakasal pa kayo ngayon. ‘Di mo naman kailangan ipamukha sa amin, lalo na sa akin na ganon. Hahaha punyeta. ‘Di ko naman masyado dinidibdib mga nagiging crush ko. Pero atleast te, wala akong boyfriend. ‘Di katulad mo hehehehehe. Okay bye. Magrereview na ako. Prelims na eh. :)

July 16th
10:39

JOSB <3

Inaccept na ni crush yung request ko. Ohhhmyyyyygooosh. Weh lande. Una kong tinignan yung mga pictures niya. Kakatapos lang pala niya mag birthday. 3 years agwat namin. Pero ayos lang. Age doesn’t matter daw eh hahahaha weh. Libre lang magpantasya. Imbis na inaatupag ko yung critique paper ko sa Psychology, inuna ko pa mag landi. Hindi maiwasan eh. Ok bye. Mag iistalk muna ako sa fb niya. Ayy! gagawin ko pala yung critique paper ko. 

July 14th
01:08

UAAP

Buong baga at lalamunan akong nag cheer at buti naman nanalo kami. Naaks. Nayamot pa kami kasi sa gen ad lang kami nakapwesto pero ayos naman pala :’) tanaw na tanaw ko mga bebe ko. Ayyy!! Yung mga booster at bison pala hahaha. Tanaw na tanaw ko talaga yung crush kong green bison eh. As in malapit lang talaga. Makikita mo na nga pati anit. De, makikita mo na ngang pinagpapawisan eh :’) landee jusko. Tapos may picture din pala kami. Wala lang nang iinggit lang ako. Kamukha niya sa Enrique Gil. Bat ganon. Nakita ko na rin fb niya hahaha. Natatawa ko kasi may nagsabi sa akin na Gab daw pangalan niya. Tapos hindi naman pala!! Janus naman pala. Utang na loob. Siguro kasi malapit lang yung letter J sa G kaya ganon. Waaaat. Bagay kami, parehas J. :’) wahahaha. Magpapantasya muna ako. Bye.

July 11th
08:13

Pogi mo kuya.

  • freshmen night.
  • nakita ko si mark herras.
  • ang galing niya mag dougie.
  • tapos ang gwapo niya.
  • nagpapicture kami nila adrian de ocampo sa di ko kilalang miyembro ng booster.
  • basta pogi si kuya.
  • tapos nganga kami pauwi.
  • pagkadating ko sa vicas…
  • may nanghingi ng number ko.
  • ew.
  • ang arte ko.
  • bye.